kapag walang magawa, subukang mag "blog".

Friday, May 21, 2010

motorsiklo

marami akong napapansin sa mga nagmomotorsiklo, ano un? eh di ung mga helmet nila, motor at ang estilo ng kanilang pagmamaneho nito.

una, ung mga helmet nila na imbes sa kanilang ulo nakakabit eh sa kanilang mga braso nakasukbit, bakit kaya? di kaya ayaw nilang masugatan ang kanilang mga siko o braso kapag sila ay sumemplang? ung iba naman ay nasa harap ng kanilang upuan o nakatali sa upuan sa likuran ng driver... ginagawang display yata nila un imbes na gamiting proteksyon sa kanila. ung iba naman ay nakasuot nga sa ulo kaso ay hanggang nuo lang nila, kumbaga eh expose ung mga mukha pa rin nila. at ang iba naman ay nagyoyosi pa habang naka-anagat ang kanilang mga helmet at only in the pinas eh may makikita ka rin na nagte-text message habang nagmamaneho ng motorsiklo nila. pucha, eh sa kotse nga eh delikado na ung nagte-text habang nagmamaneho, ano pa kaya sa motorsiklo.

ikalawa, ung mga porma ng kanilang mga motor... ok lang sana ung mag modify ng tambucho nila kaso ung iba eh sobra ung tingala o anagat ng butas ng kanilang tambucho. bakit kamo? dahil kung ikaw ay nasa likuran nito ay sakto sa mukha mo ung buga ng tambucho nila, kakaasar un dahil para kang binugahan bigla ng di mo mawaring hangin na kung saan galing...

at ang huli ay ang estilo nga ng kanilang pagmamaneho sa kalsada.... ang iba kasi ay parang hinahabol ng kung ano o parang natatae sa sobrang bilis ng kaniliang patakbo... resulta? bulaga!!! oo, bulaga dahil minsan may tatawid sa kalsada o di naman ay may dadaang sasakyan at ang wawang driver eh titilapon na lang sa semento o kaya ay mala-laminate sa salamin ng isang sasakyan na biglang nagbukas... soplak eka nga :P pero ang pinakamalala eh ung pagmamaneho ng nakainom ng alak o lasing. dahil kapag lasing ang isang tao eh akala nila na mabagal sila sa daan kaya nila siguro binibilisan ng todo sa hataw pero di nila alam na natural lang sa lasing na mabagal ang reaction ng reflexes ng katawan. kaya ang kalalabasan nito ay grabeng aksidente at minsan ay buhay pa nila ang kapalit ng kanilang ginawa.

pero minsan, wala rin sa driver mismo un dahil nasa iba ring kapwa driver nakasalalay ito. dahil may nakikita ako minsan na kahit nakaparada o nasa tamang linya ng kalsada eh nahahagip ng ibang tarantadong driver na di man lang gumagamit ng side mirror o di kaya ay lasing rin o sadyang barumbado lang sa pagmamaneho.

haaay buhay, minsan talaga di mo alam ang gagawin di ba... pero mas maganda na rin ung mag-iingat at lumugar sa tama kesa pagsisihan pa ito... di bale, wala naman nagsisi sa una di ba?