kapag walang magawa, subukang mag "blog".

Thursday, October 29, 2009

basketbolan nauwi sa jombagan

mejo huli na itong balita na ito sa kalahatan, ibabahagi ko lang ang aking opinyon ukol dito since ito naman ang aking personal na IMO Blog o In My Opinion Blog.

anyway kokey, si wynne arboleda ay nanjombag ng isang fan na nagngangalang alain katigbac. bakit ito nangyari? eto po ang masasabi ko mga igan...

si alain ay isang apisyonadong tao sa laro ng basketball. natural sa mga ganitong tao ang humanga sa kanilang paboritong manlalaro o pangkat. susuportahan nila ito manalo man o matalo. sa pag umalo ni alain eh napapamura siya ng labis laban sa laro ng koponan ni wynne o sa kanya mismo. kahit saan ka magpunta, ang mga tagahanga ang ganitong laro ay normal ito na nangyayari, ang di normal ay ang pananakit ng isang manlalaro sa mga o sa isang tagahanga ng laro. pero bakit nga nangyari ito? simple lang mga igan, napikon lang si wynne sa ganitong siste, kumbaga eh masyado na yata siyang namumura o nasasabihan ng masyadong maaanghang na salita. hmmm... lahat tayo ay may limitasyon dahil tao lang tao, natural mente sa isang tao na manakit kung ang tao ay nasasaktan o maprotektahan ang kanyang sarili sa kapwa nanakit.

so guys, sino ang may sala? sa tingin ko ay parehas, dahil isang propesyonal na manlalaro si wynne ng basketbol eh dapat ay mahaba pa sa court ng kanyang nilalaruan ang kanyang pasensya at kay alain naman ay dapat ay alam niya ang kanyang limitasyon para di siya masyadong nakakasakit ng damdamin ng iba. ano kaya kung siya ang murahin mayat maya di ba?

pero kung sa larong kalye lang ito nangyari o sa isang normal na liga ng basketbol na madlas mo makikita sa mga barangay ng kamaynilaan eh isang away kalye na ito at pagkatapos ay baranggayan na at ang siste eh mauuwi sa areglo laway.

hay buhay, kung minsan ay nakakalimot talaga ang mga tao sa kanilang pwesto. pero ang pikon ay talagang laging talo... sa madaling salita, pera pera lang yan, nyahahahahaha.