haay, eto na naman po ako, ang intrimitidong IMO boy. sa ngayon ang pag-uusapan natin ay ukol sa mga palabas sa puting lona o sinehan. ano ba meron dito na wala sa ibang bansa o sa ibang palabas nila? eto po mga igan, pag-usapan natin.
sa mga palabas sa sine ay halos tulad rin ng sa mga telenobela gaya ng nabanggit ko sa blog kong
teleserye.halos iisa ang ikot ng istorya, mga kontra bidang naka-maong na jacket at iba pa. an maidadagdag ko dito ay ang mga ito.
kapag ang isang pelikula ay ukol sa aksiyon (action) o bakbakan ika nga ng iba, ang mga kontra bida dito ay halos paulit-ulit na nagagamit sa ibang action films rin pero iba-iba ang bida. kapag sila ang nakita mo agad sa palabas eh alam mo nang wala silang gagawing matino sa pelikula kundi ang asarin ang iyong idolo. iisa ang aktor, iisa ang itsura at iisa lang ang kanilang papel. ganyan nga talaga siguro ang linya ng buhay nila ano...
sa mga side kick naman ng bida, sila naman ung laging patawa sa eksena. ung laging tamang mali o tanga sa eksena. minsan batukan o ung tamang wala sa linya kumilos. minsan, alam na aad natin sila ung side kick kasi un at un rin naman ang kanilang papel simula't sapul ng ipinanganak sila sa puting tabing. minsan sacrifice sila at sila ung natatamaan ng bala o taga-salo ng kahit anong ikamamatay nila para mabuhay lang ung bida. eh ganun talaga siguro kasi kung maaga namatay ung bida eh tapos na malang agad ang palabas.
sa mga leading ladies naman eh ung tamang mga sexy, maputi at tamang cute o harot sa eksena. ung iba naman eh ang gaganda ng babae tapos ung bida eh ang papangit. teka, masyado na ba akong mapanglait? anyway kokey, opinyon lang po ito ha, eka eh IMO (In My Opinion) ko lang. minsan, sila pa ung namamatay para maisalba rin ung bida para maipaghiganti sila. minsan, naaawa ako sa kanila dahil para may anghang ang pelikula eh kailangang may bed scene sila ng bida o dili kaya ay ung tamang rape scene para may tamang boso ang mga manonood. ano moral lesson dun?
sa mga bida naman, eto ang kakaiba sa lahat. saan ka nakakita na ung bala eh nahahati sa gitna para makabaril ng dalawang kaaway. oh di ba astig?! ung iba naman ay isang armas lang o baril ang hawak pero kung bibilangin mo ung putok nila eh pang isang batalyon. eh ang kalaban nila eh ang dami-dami pero ung baril nila ay di nauubos, tapos mauubos lang iyon kapag katapat na nila ung pinaka-kontra bida ng pelikula, tamang do or die ang dating ng drama ek-ek nila. tapos mag-aagawan sa nakitang baril at un mag-susuntukan na lang. speaking of suntukan, san ka nakakita ng sapakan na walang kapaguran. ung bida laban sa masa, hehe. isang suntok lang sa kalaban eh tulog na at ung suntok sa kanya eh parang bale wala lang sa kanya. aba, tinalo niya pa si manny pacquiao, dapat eh subukan rin ñang mag boxing baka malagpasan pa ña ang ating pambansang kamao, hehe. biruin mo pa igan, susuntok sa tiyan papuntang ulo at sabay pompiyang sa tenga, astig di ba?! pero ung bida eh nahampas na ng silya o kahoy eh nakatayo pa rin. ung iba eh labas na nga ung bituka sa tama ng bala eh nakakalaban pa at nananalo pa. oh di ba may kakaibang powers?! hahahaha!
isa pa dito sa pelikulang pinoy kapag komedya naman eh di nawawala ung pinaleng sayawan sa tabing dagat. ito ung tamang nag-outing sila sa saya dahil kung ano man ung nangyari sa eksena eh kailangan nilang sumaway, maghabulan at magkantahan sa dagat.
may eksena rin akong napansin sa pelikulang pinoy. kapag madilim ung tema ng eksena eh talagang madilim, wala ka masyado maaninag minsan dahil madilim nga. di kaya poor cinematography lang un kaya ganun o kulang lang sa budget?
ang ibang pelikulang komedya naman ng pinoy eh halos ginaya lang sa sikat na tao o kanta o pangyayari na nauso at naisipang gawan ng isang pelikula. wala na bang maisip na matinong script ang mga writer na pinoy o ung mas bago sa panlasa?
sa drama naman, aysus walang humpay sa kakaiyak mula sa umpisa hanggang huli. gaya ng teleserye eh magsisimula minsan sa pagiging mahirap ung bida at magiging mayaman at sya naman ung mang-aapi sa mga nakaaway niya. ganun din di ba? moral lesson dito? ano pa eh di maghiganti! hehehehe.
sa horror movie naman, ano meron dito? well, ang masasabi ko lang po ay maganda rin sana ng plot ng movie kaso nagiging baduy sa pelikula dahil sa di tamang dating ng arte o maling artista ang gumanap. kung di naman ay ganire, alam na nga na mapapahamak ung isang bida sa eksena eh tinutuloy pa rin ña ung ginagawa ña hanggang machugi na sya dun. well, ala na tayong magagawa kung hanggang dun na lang ung kontrata ña di ba?
halos ganun lang po, paulit-ulit o paikot-ikot an tema at mga artistang gumaganap. IMO, di ba pedeng iikot sila ng karakter. mas maganda siguro kung di lang sila sa komedya o drama o action movies pwede di ba?! alam kong maraming magagaling na aktor jan pero para sa akin, mas magagaling pa rin ung mga sinaunang artista dahil mas makikita mo ung sensiridad ng kanilang pag-arte gaya ng pag-iyak at iba pa. bakit kamo? panoori mo ung mga likha ni lino broca o kaya ung ora plata mata, sigurado akong iba ito sa mga napapanuod mo ngayon.
IMO again, dapat mag evolve na ang mga aktor na pinoy, script writer at direktor para mas magustuhan o manumbalik ang kanilang magagandang likha sa puting lona gaya ng dati. good luck na lang dun mga amigo at amiga.