kapag walang magawa, subukang mag "blog".

Tuesday, May 19, 2009

pasahero

ano nga ba ang saya, lungkot at hirap o sarap ng isang namamasahero o commuter sa wikang ingles... kapag ikaw ay isang pasahero sa isang bus, taxi, jeep o fx eh marami kang masasabi. ano-ano nga ba ito, chek natin...

kapag ikaw ay tinanghali ng gising at halos nagkandarapa sa kakamadali sa pagkilos sa bahay para di ka ma-late sa iyong pinagtatrabahuhan o eskuwelahan at sa iyong paglabas ng bahay para sumakay ng jeep, taxi, bus o fx eh pwede ito mangyari sa 'yo.
  • sa kalagitnaan ng biyahe, dun mo nalaman na naiwan mo pala ang pitaka o wallet mo ano ang pwede mong gawin?
    • sa jeep, magtulog-tulogan ka at pagdating sa iyong bababaan eh sabay takbo.
    • sa bus kapag hiningan ng pamasahe, pede mo sabihing pulis ka, kasi dito madlas napapansin na kapag sinabi mong pulis ka eh libre ka na sa pamasahe.
    • sa taxi eh pede mo naman ito pabalikin sa iyong bahay para kunin ang naiwang talampipi pero kung ika'y talagang di na makabalik sa sa iyong bahay eh pagdating na alng sa opisina ay maghanap ng ka-close na officemate at dun ka muna manghiram ng pambayad mo.
    • sa fx... hehe, ala kang ligtas dito, pero kung wala na talaga eh maghanap ng kakilala at dun ka muna humingi ng pamasahe mo at kung wala eg try mo makiusap sa driver baka ka pagbigyan kasi minsan may nakasakay akong ganitong tao at sinabi nya mismo sa driver na ala syang pambayad at hinayaan na lang sya ng driver na makalibre sa kanya. well, good luck sa inyo kung mangyari ito sa inyo.
  • sa iyong pagsakay, naramdaman mong mauutot ka pero pinipigil mo pero sa kasamaang palad ay bigla na lang syang umalingasaw, ano ang pwedeng gawin?
    • sa jeep, kapag ika'y biglang nautot ay bigla kang tumingin sa iyong katabi at tignan sya ng masama para sa tignin ng ibang pasahero ay sya ang pagbintangan. un nga lang kung gagwin mo ito sa isang maskuladong tao eh malamang na ibuhol ka nya sa estribo ng jeep.
    • sa bus, kapag sa aircon, subukang isabay sa iyong ubo o mag-ubo-ubohan para di masyadong halata sa pagbuga ng iyong pwetan. sa di aircon ay simple lang, maglaglag ng barya at sabay pulot at utot niyo. malas lang ng matatapatan ng pwet mo kung ito ay matapang pa ang amoy sa tambucho.
    • sa taxi eh mas madali ulit dahil buksan lang ang bintana at sabihin sa driver na magyoyosi ka lang at kapag ikaw ay napautot na ay magsalitang may naaamoy kang di maganda sa inyong nadaanan at dun mo na isara ang bintana at itapon na rin ang yosi.
    • sa fx ay pwedeng gayahin ang estilo sa jeep na titignan ang katabi para un ang pagbintangan pero subukan mo rin ang magpatay malisya at sabay kuha sa iyong cellphone at magwika ng ganire... "ano ba yan, may nag text na naman." hehe... ringtone mo kasi utot eh.
  • eto ang mas mabangis na pwedeng mangyari sa 'yo sa biyahe... ang matae sa sasakyan at lalo pa na alam mong ikaw ay may lbm. waaaaaah, ito na yata ang worst case scenario na ayaw mo mangyari sa 'yo at ito pa ung panahon na nagbubutil na ang iyong pawis sa kakaisip kung anong gagawin. ano nga ba ang mga pwedeng gawin?
    • maghanap ng paparahan na malapit sa mga fast food chain o gasolinahan o ano mang establisiyementong puwede mong taihan. un nga lang kung ang byahe mo ay sa express way at nalagpasan mo na ang mga gas station at wala ka ng choice kundi ang bumaba at tumae sa gilid ng mga sign post, hehe.
    • kapag ikaw ay nasa makati o edsa at na trapik ka eh un din ang isang sakit sa ulo dahil san ka tatae sa edsa at sa makati naman pano kung sarado ung mga pwede mong taihan, aysus ginoo. eh kung may bagyo pa nun, hehehe. anyway kokey, eo ang gawin... kumuha ka na lang na dyaryo at magpakabasa sa ulan. kung may lbm ka eh mas pabor sa iyo un dahil isabay mo sa pabguhos ng ulan ang iyong paglabas ng sama ng luob. at ung dyaryo na kunwari ay tabing mo sa ulan ay pwede mo ng ipamunas sa iyong pwetan.
IMO mga igan, mas maigi siguro kung mag diaper na lang kayo para kahit saan eh walang problema sa paglabas ng sama ng luob nyo, hehe.

  • pano naman kapag may tamang action sa sasakyan gaya ng holdapan o hostage drama? eto po ang mga maipapayo ko...
    • sa holdapan sa kahit anong sasakyan, mas maigi na wag na kayong magsuot ng mga alahas o ano mang mamahaling bagay sa katawan para di kayo masyado mawalan ng kayaman. pero pwede rin itong gawin... kapag may sumigaw na "holdap" eh sigaw ka rin ng "holdap" para akalain nila na holdaper ka rin at kapag nakumbinse mo sila eh sabihin mo na "pre, linya mo ba ito? sige, lipat na lang ako ng ibang sasakyan, balato ko na sa 'yo 'to..." kapag napaniwala mo sila rito eh di ligtas ka na sa aberya nila.
    • kapag sa hostage naman eh maaari mong gawin ang magkunwaring hinimatay o inatake sa puso para ikaw agad ang na nilang pakakawalan. kung pang famas ang acting mo eh mas madali mo silang mapapabilib kaya magpraktis kapag nasa bahay ha, galingan ang mga arte-artehan nyo.
IMO sa ganito eh mas maganda ung presence of mind para di ka masyado mag panic. iwasan ang mag 3 in 1 lagi o starbucks para iwas o bawas sa niyerbiyos.

kaya mga igan, ugaliing mag-ehersisyo para di ka madaling mapagod sa takbuhan kapag alang pamasahe at galingan ang mga pag-arte o mga palusot para di ka masyado mapahamak.

tandaan... ang taong mahilig magpalusot ay madaling makaiwas sa gusot.

0 komento:

Post a Comment