isa na naman pong iskandal (scandal) na mabilis na kumakalat sa inter at balita. ito po ay ang sex scandal nila hayden kho at katrina halili. mas bumilis ang paghahanap ng mga tao dito ng ito ay mapabalita sa mga telebisyon. mga laman sila ng balita na tila tumabon sa pagpapakasal nila juday, pagkapanalo ni pacman at sa mga politikong nagpapabango sa pobliko.
ibang rin klaseng humatak ito mga igan, daig pa nga ang lakas ng tsunami sa lakas at bilis ng pagkalat ng kanilang bidyo (video). saka alam naman ng karamihan kung gaano kausisero ang mga noypi pagdating lalo sa mga iskandal di ba. kaya ayun, pinutakte ng sambayanan, from dvd to internet eh ito ang hanap ng karamihan. aysus, kaya wag magalit ang mga biktima o mambabatas sa mga taong bayan kasi eh talagang normal na 'yan sa ating mga pinoy. eh kung sila nga eh pinanuod rin di ba?! eh tayo pa kayang mga normal na taong nagtataka rin na gaya nila. ang usisain nila at pagalitan nila eh ung nagkalat mismo nitong bidyo na ito at wag ung mga masang nagtatanong lang din.
eto pa pala, eh di ba't ang dami nang iskandal na kumalat simula pa nuong dekada ochenta yata. eh bakit ngayon lang gagawa yata ang mga politiko ng batas ukol dito? ano un? para mapansin sila sa 2010 election? mga politikong sumasabit sa alon ng balita... umayos kayo! kung talagang mambabatas kayo eh dapat nuon nyo pa ginawa yan. o dili kaya ay may mga politikong ganyan rin? hehe... ingats kayo, baka mag backfire ang batas nyo... matuloy kaya ung mga sinasabi nila ditong batas? abanagan...

sa parte ng lalake ay wala halos problema pero sa babae ay napakalaing epekto nito. biruin mo, di ka naman bold star eh biglang kumalat sa buong mundo ang hubad na katawan mo at niroromansa ng isang lalake. o di ba nakakaloka. baka may magsalita jan na nag-enjoy naman ung si babae dahil gwapo naman si lalake eh kaso ala naman dun ung punto di ba. kaya kung manunuod ka nito eh sarilinin mo na lang at wag mo na lang ikalat, dagdag pasaway ka pa eh.
IMO ko dito eh simple lang, kung gagawa ka o kayo ng ganitong sex video nyo eh itago nyo na lang sa bahay at wag ikalat kung saan saan ng di makita ng ibang tao jan na mas makati pa sa gabi ang asal. at sa mga babae na mapapasama sa bidyo eh isipin maigi kung ok ba ung ginagawa nyo pero kung sikreto naman ito na ginagawa ng mga lalake para makaisa sa babae nila eh para saan un? panakot sa kanila kung hihiwalayan nila kayo o dagdag sa koleksiyon nyo para maipagmayabang sa kapwa. aysus ginoo nga naman ang mga tao, kaya kayo ha mga bata o matanda... walang nagsisi sa una... laging sa huli ito nangyayari kaya gamitin ang kokote imbes ang kagaguhang umiiral sa utak biya nyo.
haay naku mga ineng, mag-ingat ha ng di madenggoy ng ganitong mga unggoy.